Ban sa mga biyahe mula Clark patungong Davao, ipinag-utos ni Mayor Sara Duterte

By Chona Yu March 15, 2020 - 12:27 PM

Ipinatupad ni Mayor Sara Duterte ang ban sa lahat ng biyahe mula Clark International Airport sa Pampanga patungong Davao City.

Ito ay bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Batay sa inilabas na executive order no. 09 series of 2020, hindi na maaring pumasok sa lungsod ang mga biyahe ng eroplano mula Clark.

Napag-alaman na karamihan sa mga bumibiyahe sa Clark ay galing ng Metro Manila na hindi nakabiyahe dahil sa ipinatupad na community quarantine.

Kailangan aniyang mahigpit na ipatupad ang resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases na community quarantine sa Metro Manila para maagapan ang paglaganap ng COVID-19.

Nilagdaan ni Duterte ang EO noong march 15, 2020.

TAGS: ban ng Clark flights patungo Davao City, COVID-19, Davao City, Mayor Sara Duterte, ban ng Clark flights patungo Davao City, COVID-19, Davao City, Mayor Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.