Hernani, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Yumanig ang magnitude 4.7 na lindol sa Hernani, Eastern Samar Sabado ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 123 kilometers Northeast ng Hernani dakong 6:51 ng gabi.

24 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...