Palasyo, nilinaw na maaaring maglabas-masok ang mga may trabaho sa NCR kabilang ang media
Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na maaring makapasok ng Metro Manila ang mga may trabaho kabilang ang media sa lugar.
Ito ay sa kabila ng ipatutupad na community quarantine sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pahihintulutang makapasok ng Metro Manila ang mga empleyado kabilang ang media practitioners kung ang layunin ng pagpunta ay para sa trabaho.
Kailangan aniyang magpakita ng katibayan sa mga itatalagang checkpoint para makapasok o makalabas ng NCR.
“Those who will circumvent or violate the imposed community quarantine, such as presenting false company identification cards or fabricated business agenda, shall be dealt with strictly in accordance with law,” pahayag ni Panelo.
Dagdag nito, hindi papayagan ang non-essential na pagpasok at paglabas ng Metro Manila.
Sinabi pa nito na layon lamang ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Hiniling naman ni Panelo ang katapatan at kooperasyon ng publiko para sa kapakanan ng kaligtasan ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.