Olongapo City gov’t, magpapadala ng 2 bus sa NCR para sa mga pauwing residente

By Angellic Jordan March 14, 2020 - 05:15 PM

Magpapadala ng dalawang bus sa Metro Manila ang lokal na pamahalaan ng Olongapo.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., ipapadala ang dalawang bus sa National Capital Region (NCR) para sunduin ang ilang kaanak ng mga residente ng Olongapo.

Ipaparada aniya ang dalawang bus sa Camachile, Balintawak sa tapat ng Iglesia Ni Cristo bandang 6:00 ng gabi.

Nanawagan ang alkalde na tawagan na at i-text ang mga kaanak na gustong umuwi.

Narito ang numero ng bus na maaaring tawagan:
0922-800-2057

Magsisimula ang implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila sa March 15 hanggang April 14.

TAGS: community quarantine, Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City, community quarantine, Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.