Klase sa Zamboanga City, sinuspinde na rin dahil sa COVID-19

Suspendido na rin ang klase sa Zamboanga City.

Sa abiso ng Zamboanga City government, ito ay bunsod pa rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sakop ng suspensiyon ng klase ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sinabi ng Zamboanga City government na kabilang din sa suspensyon ang mga madrasah.

Read more...