LTFRB, maglalabas ng special permit sa mga bus kasunod ng pagdami ng pasahero na uuwi sa probinsya
Maglalabas ang Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit sa mga public utility bus (PUB) para pansamantalang makabiyahe sa labas ng kanilang ruta.
Ayon sa ahensya, ito ay bilang tugon sa biglaang pagdami ng mga pasaherong pauwi ng iba’t ibang probinsya kasunod ng ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila.
Narito ang proseso na kailangang gawin para makakuha ng special permit:
– Magpadala ang operator ng e-mail sa [email protected] kasama ang specifications ng mga unit at kung saan bibiyahe.
– Kapag lumabas na valid ang unit, magbibigay ng reply e-mail ang LTFRB na matatanggap ng operator. Maaari anila itong gamitin ilang Special Permit to Operate.
Sinabi ng LTFRB na epektibo ang special permit hanggang sa araw ng Martes, March 17.
Ipatutupad ang community quarantine sa Metro Manila simula sa March 15 hanggang April 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.