Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan

By Angellic Jordan March 14, 2020 - 10:51 AM

Nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, March 14, nasa 200.10 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 200.43 meters noong Biyernes, March 13.

Bahagya ring nabawasan ang tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 76.87 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 100.52 meters.

Samantala, pawang nabawasan din ang tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat Dam.

Nadagdagan naman ang tubig sa Caliraya Dam.

TAGS: Angat Dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.