Batangas, nakapagtala na ng tatlong kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan March 14, 2020 - 10:37 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Batangas.

Ayon sa provincial government ng Batangas, tatlo na ang kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Sinabi ng Batangas government na ang ikalawang kaso ay isang 79-anyos na babae na nagkaroon ng travel history sa London.

Ikalawang kaso naman ang 72-anyos na lalaki, kapatid ng unang kaso.

Magkapatid ang dalawa at residente ng Batangas City.

Nananatili ang dalawang pasyente sa Asian Hospital and Medical Center.

Batay pa sa impormasyon ng Batangas provincial government, taga-Lemery ang ikatlong kaso na 64-anyos na babae. Mayroon din itong travel history sa Italy.

TAGS: COVID-19 cases in Batangas, COVID-19 cases in Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.