Sen. Gatchalian hindi nagkaroon ng close contact sa pasyenteng may COVID-19
Sinuri ang video footages ng pinamunuang pagdinig ni Senator Sherwin Gatchalian noong Marso 5 sa Senado, kung saan dumalo ang isang resource person na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Gatchalian ang Senate doctor ang nanood sa footages at aniya hindi nila kinamayan ni Sen. Nancy Binay ang resource person at hindi rin sila nagkalapit.
Sinabi ng senador nakita rin sa footage na may hanggang limang metro ang layo nila sa resource person kaya’t maliit ang tsansa na nahawa sila ni Binay.
Gayunpaman, sasailalim pa rin sa COVID 19 test si Gatchalian at idinagdag pa nito, hindi pa rin kinakakitaan ng anuman sintomas ng sakit ang ibang bisita na nakatabi ang resource person.
Ngunit patuloy ang isinasagawang contact tracing sa lahat ng mga dumalo sa pagdinig.
Inanunsiyo ni Gatchalian ang pag-self quarantine ilang oras matapos magtapos ang sesyon ng Senado noong Miyerkules at sumunod sa kanya si Binay at iba pang senador na kanyang nakasalamuha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.