Suplay ng pagkain sa Metro Manila sasapat sa kasagsagan ng pag-iral ng ‘community quarantine’

By Jan Escosio March 13, 2020 - 08:29 PM

Kahit nasa ilalim ng ‘community quarantine,’ tatagal ng ilang buwan ang suplay ng pagkain sa Metro Manila.

Ito ang pagtitiyak ni Agriculture Sec. William Dar at ang tinutukoy niyang pagkain ay bigas, gulay at karne.

Sinabi nito na sisiguraduhin nila na ang lahat ng mga pangunahing pagkain ay patuloy na ipagbibili sa mga pampublikong palengke saan sulok ng Metro Manila.

Binabalangkas na aniya nila ang isang Food Resiliency Action Plan kasabay nang patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa punong kapitolyo ng bansa.

Ayon kay Dar, sa ngayon ang nakaimbak na bigas sa mga bodega ng National Food Authority ay tatagal ng 80 araw at madadagdagan pa ito ng suplay nang hanggang pang-tatlong buwan dahil nagsimula na ang anihan.

Tiniyak din ng kalihim na magtutuloy tuloy ang paggalaw ng mga pagkain sa Metro Manila dahil papasok pa rin ang mga produktong-agrikultural mula sa mga lalawigan.

Bukod sa bigas, magiging sapat din ang suplay ng karne ng baboy at manok, itlog, isda, gulay, prutas, asukal at mantika para sa tinatayang 14 milyong residente ng Metro Manila.

TAGS: community quarantine, covid case, COVID-19, DA, department of health, doh, goods, Health, preventive measures, products, community quarantine, covid case, COVID-19, DA, department of health, doh, goods, Health, preventive measures, products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.