Inter-Agency Task Force pinaglalabas ng komprehesibong paliwanag tungkol sa COVID-19
Hinikayat ni Senator Panfilo Lacson ang Inter-Agency Task Force ng DOH na magpalabas ng simple, malinaw at komprehensibong paliwanag sa pagharap sa COVID-19 crisis.
Ito, ayon kay Lacson, ay dahil may mga doktor at eksperto ang iba ang opinyon ukol sa virus, partikular na kung paano nakakahawa ang sakit.
Binanggit nito, ang pahayag ni dating Health Sec. Janette Garin na ang makakahawa lang ng may taglay ng virus ay ang mga ‘symptomatic’ at ang quarantine ay para lang sa mga nagkaroon ng direct contact sa positibo sa virus.
Dagdag pa ni Lacson na sa China, isang babae ang nakahawa ng limang kaanak ngunit hindi naman siya nakaranas ng mga sintomas ng sakit.
Kasabay nito, nanawagan naman si Lacson na dapat ay magkaroon ng disiplina ang lahat at tigilan na ang pang-aabuso sa sitwasyon at panlalamang sa kapwa Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.