Construction worker na nang-hostage ng estudyante sa Cebu, arestado

By Kathleen Betina Aenlle February 06, 2016 - 04:33 AM

arrestArestado ang isang construction worker sa matapos nitong mang-hostage ng isang babaeng estudyante sa Mandaue City sa Cebu.

Nakita sa video na in-upload ng isang Ren Ledama sa social media ang mga pangyayari sa nasabing insidente kung saan hawak-hawak ng suspek sa leeg ang biktima.

Hindi nagtagal ay rumesponde na ang mga pulis, at makaraang marinig ang isang putok ng baril, maya-maya’y sinugod at kinuyog na ng taumbayan ang suspek para bugbugin.

Ayon sa 18-anyos na biktima na si Jeah Mae Carnillas, kasabay niya sa sinakyang jeep ang suspek, ngunit pagbaba niya ay sinundan siya nito at tinangkang holdapin.

Nanlaban ang biktima kaya nauwi sa hostage ang insidente.

Hinala ni Carnillas, naka-droga ang suspek, pero hinala rin ng mga pulis na maaring may sakit ito sa pag-iisip.

Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil kailangan niya ng pera para makauwi sa probinsya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.