Dalawa na ang kaso ng COVID-19 sa Batangas City

Dalawa na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Batangas City.

Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, ang dalawang pasyente ay kapwa na sa isang medical faicility sa Metro Manila.

Sinabi ni Barrion na bago pa man maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Batangas City, nagsagawa na ng mga precautionary at preventive measures ang pamahalaang lungsod upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat nito sa mga mamamayan.

Bumuo rin ng Task Force COVID-19 upang siyang tumugon sa problemang ito.

Patuloy ding nagsasagawa ang pamahalaang lungsod ng informationat education campaign tungkol sa sintomas ng sakit at mga pamamaraan kung paano ito maiiwasan.

Read more...