outbrain

Kevin Love nag-pledge ng $100,000 na tulong sa mga empleyado staff ng Cleveland Cavaliers na apektado ng suspensyon ng NBA season

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2020 - 04:14 PM SHARE(S):

Magbibigay ng tulong ang manlalaro na si Kevin Love para sa mga staff ng arena ng Cleveland Cavaliers na naapektuhan ng suspensyon ng NBA season.

Sa kaniyang Instagram sinabi ng Cavaliers forward na nag-aalala siya sa mga empleyadong maaapektuhan.

Dahil dito, nagdonate si Love ng $100,000 sa pamamagitan ng kaniyang KevinLoveFund bilang suporta sa mga empleyado ng arena ng Cavs.

Karamihan sa mga tauhan na nagtatrabaho sa arena ng mga koponan ng NBA ay binabayaran ng “hourly basis”.

At dahil suspendido na season ng NBA, mangangahulugan na wala silang trabaho at sweldo dahil wala nang laro.

TAGS: Kevin Love, NBA, nba season, Kevin Love, NBA, nba season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.