Michael Schumacher, hindi pa rin nakakarekober sa aksidente noong 2013
Hindi magandang balita para sa mga fans ni Michael Schumacher.
Simula kasi nang mabagok ang kaniyang ulo sa isang skiing accident noong December 2013 sa France, nanatiling hindi maganda ang kundisyon ng sikat na Formula 1 driver hanggang ngayon.
Ayon sa dati niyang boss sa Ferrari na si Luca di Montezemolo, hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng intensive treatment si Schumacher sa kaniyang tahanan sa Switzerland, malayo sa mata ng publiko.
Ani Montezemolo, kagulat-gulat pa rin ang nangyaring aksidente kay Schumacher na isang napakagaling na driver at isang beses lang naaksidente sa Ferrari noong 1999.
Tumanggi naman nang magbigay pa ng detalye si Montezemolo tungkol sa kalagayan ni Schumacher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.