Rizal Park, Paco Park, sarado muna sa publiko

Sarado muna sa publiko ang Rizal Park at Paco Park sa Maynila.

Epektibo ang pagsasara ngayong araw March 13 ayon sa National Parks Development Committee (NPDC).

Lahat ng naka-schedule nang events sa nasabing mga parke ay suspendido din muna.

Ang hakbang ay bahagi ng pag-iingat laban sa paglaganap ng COVID-19 at kasunod na rin ng deklarasyon ng Code Red Sublevel 2.

Read more...