‘Globe at Home’ magpapatupad ng mahigpit na health protocols sa kanilang mga installer at repairmen

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2020 - 03:38 PM

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 Metro Manila tiniyak ng ‘Globe at Home’ na magpapatupad sila ng istriktong health protocols sa kanilang mga installer at repairmen.

Ito ay para masiguro din ang kapakanan ng kanilang mga customer.

Sa kabila ng banta ng COVID-19 ay magtutuloy tuloy ang serbisyo ng ‘Globe at Home’ sa kainlang mga costumer upang masiguro ang kalidad ng kanilang internet service lalo pa at nananawagan ang pamahalaan sa mga pribadong sektor na magpatupad ng work from home.

Bago i-deploy ang kanilang installers at repairmen ay sasailalim sila sa health check.

Kailangan nila makapasa sa health checks at dapat ay mas mababa sa 37.8°C ang kanilang temperature, walang ubo o sipon at hindi nakararanas ng pananakit ng lalamunan o iibdib.

Aatasan din ang mga installers na ihayag kung sila ay nagkaroon ng exposure sa sinumang mayroong sintomas ng flu o sa mayroong history ng travel.

Inaatasan din ang mga installer na i-observe ang social distancing sa sandaling dumating sa bahay ng customers.

TAGS: BUsiness, community quarantine, covid case, COVID-19, department of health, doh, Globe, Health, installers, preventive measures, repairmen, BUsiness, community quarantine, covid case, COVID-19, department of health, doh, Globe, Health, installers, preventive measures, repairmen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.