COVID-19 patient sa San Juan nagtangkang tumakas sa ospital

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2020 - 03:18 PM

Isang pasyente sa San Juan na kumpirmadong may COVID-19 ang nagtangkang tumakas sa ospital.

Tinangka ng babaeng pasyente na takasan ang mga police escort niya at sumakay sa kaniyang kotse.

Pero nagawa naman siyang mahabol ng mga pulis at nakumbinseng magpa-admit na sa ospital matapos ang dalawang oras na pakiusapan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nang malaman ng babae na positibo ang resulta ng kaniyang COVID-19 test ay siya ang pumili ng ospital kung saan siya magpapa-admit.

Pero hindi siya na-accommodate sa pinili niyang ospital kaya sinamahan siya ng local health officials at ng mga pulis sa ibang pagamutan.

Ani Zamora, sasailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga pulis na nag-escort sa babae.

 

 

TAGS: community quarantine, covid case, COVID patient, COVID-19, department of health, doh, Health, preventive measures, san Juan, community quarantine, covid case, COVID patient, COVID-19, department of health, doh, Health, preventive measures, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.