Worship at healing services ng JIL kinansela

Kinansela na ng Jesus Is Lord Church Worldwide ang kanilang Worship at Healing Services ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa JIL na pinamumunuan ni Deputy Speaker Bro. Edddie Villanueva, sakop ng kanselasyon ang kanilang Central Operation partikular ang sa buong Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan at ilang bahagi ng Laguna.

Paliwanag ng JIL sa kanilang Facebook account, idineklara na ng World Health Organization (WHO) na pandemic ang COVID-19.

Gayundin nasa code red alert sublevel 2 ang bansa dahil sa pinangangambahang sakit bukod pa sa community quarantine na ipatutupad sa Metro Manila.

Bagaman bilang mga Kristyano na pinoprotektahan ng Diyos ayaw nilang makapasok ang kaaway sa kanilang mga buhay kaya kailangan ding gumawa ng mga precautionary measures.

Marami anilang dumadalo sa mga gawain ng JIL na ayaw nilang ikompormismo ang mga kalusugan.

Para naman sa iba pang panig ng Luzon, Visayas at Mindanao maari ding magsuspinde ng mga worship at healing services base sa atas ng mga opisyal ng barangay, bayan o lungsod at lalawigan.

Gayunman, maaring tumutok ang mga miyembro nito sa Facebook para sa online worship at healing service sa linggo.

 

 

Read more...