Metro Manila Summer Film Festival, ipinagpaliban dahil sa COVID-19

Ipinagpaliban na rin ang pagdaraos ng Metro Manila Summer Film Festival.

Batay sa anunsiyo ng MMFF, ito ay kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng community quarantine sa Metro Manila dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Antabayanan na lamang anila ang ilalabas na update ukol sa summer edition ng MMFF sa mga susunod na araw.

Ipapalabas sana ang walong pelikula mula April 11 hanggang 21 sa mga sinehan sa buong bansa.

Read more...