Sapilitang pagsusuot ng face mask sa loob ng public transport, dapat ipatupad

By Erwin Aguilon March 13, 2020 - 01:35 PM

Hinimok ni House Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento ang gobyerno na obligahin ang publiko na magsuot ng face mask o anumang takip sa ilong at bibig bago sumakay ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay Sarmiento, kung walang mabiling face mask, kahit panyo o anumang tela ay maaaring gamitin para hindi ma-expose o makahawa ng virus.

Binigyang diin ng kongresista na kailangan ng ibayong pag-iingat ngayong mayroong local transmission ng COVID-19.

Nanawagan rin si Sarmiento sa public transport operators, kabilang ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit (LRT) system at Metro Rail Transit (MRT) na regular na i-disinfect ang kanilang mga tren para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit.

Sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, Huwebes ng gabi, sinabi nitong tuluy-tuloy ang magiging operasyon ng LRT, MRT at PNR.

TAGS: face mask, LRT, MRT, PNR, Rep. Edgar Mary Sarmiento, face mask, LRT, MRT, PNR, Rep. Edgar Mary Sarmiento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.