Ayon kay Garin, na dating health chief, masasayang lamang ang limitadong testing kit dahil magiging negatibo rin ang resulta nito.
Paliwanag ni Garin na isa ring doktor, ito ay dahil makikita lamang sa testing kit ang antigen ng virus na lumalabas lamang kung may positive symptoms na ang isang pasyente.
Kailangan aniya na symptomatic ang isang pasyente dahil dito lamang lalabas ang foreign substance ng virus.
Sinabi pa ni Garin na kahit may virus na sa katawan ng isang pasyente pero walang ipinapakitang sintomas ng COVID-19, magiging false negative pa rin ang resulta ng test.
Pahayag ito ng kongresista kasunod ng kanyang mga natatanggap na tawag sa mga kasamahan na nais sumailalim sa voluntary testing matapos magkaroon ng exposure sa mga taong nakasalamuha na may Coronavirus.