Mga walang sintomas ng COVID-19, hindi kailangang magpa-test – Rep. Garin

By Erwin Aguilon March 13, 2020 - 01:27 PM

Nilinaw ni House Senior Deputy Minority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na hindi kailangang sumailalim sa testing ang mga wala namang sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Garin, na dating health chief, masasayang lamang ang limitadong testing kit dahil magiging negatibo rin ang resulta nito.

Paliwanag ni Garin na isa ring doktor, ito ay dahil makikita lamang sa testing kit ang antigen ng virus na lumalabas lamang kung may positive symptoms na ang isang pasyente.

Kailangan aniya na symptomatic ang isang pasyente dahil dito lamang lalabas ang foreign substance ng virus.

Sinabi pa ni Garin na kahit may virus na sa katawan ng isang pasyente pero walang ipinapakitang sintomas ng COVID-19, magiging false negative pa rin ang resulta ng test.

Pahayag ito ng kongresista kasunod ng kanyang mga natatanggap na tawag sa mga kasamahan na nais sumailalim sa voluntary testing matapos magkaroon ng exposure sa mga taong nakasalamuha na may Coronavirus.

TAGS: COVID-19 test, COVID-19 testing kit, Rep. Janette Garin, symptomatic, COVID-19 test, COVID-19 testing kit, Rep. Janette Garin, symptomatic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.