DTI hihirit ng ‘extra powers’ laban sa hoarding at overpricing
Ipinapanukala ng Department of Trade and Industry (DTI) na madagdagan ang kanilang kapangyarihan sa pagbabantay sa mga establismento para maiwasan ang hoarding at overpricing.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na hihintayin na lang nila ang ipapalabas na executive order na magmumula sa Malakanyang.
Paliwanag nito makakatulong nila ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagbisita sa mga establismento kapag ibinigay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihihirit nilang dagdag-kapangyarihan.
Kasabay nito, sinabi ni Lopez na babantayan din nila ang pagbebenta ng pekeng medical devices, sanitizers at alcohol.
Paalala niya na mahigpit nilang ipapatupad ang Republic Act 7394 o ang Consumer Act para protektahan ang mamamayan sa mga magsasamantala sa sitwasyon na idinudulot ng banta ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.