SSS may P1.2-B para sa magiging jobless dahil sa COVID-19

By Jan Escosio March 13, 2020 - 12:54 PM

Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na may nakahandang P1.2 bilyon na maaring ibigay na ‘unemployment benefits’ ngayon may mga maaring mawalan ng trabaho dahil sa COVID 19.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, handa ang SSS na agad maglabas ng P660 milyon kung aabot sa 60,000 ang mawawalan ng trabaho at aniya ang bawat miyembro ay tatanggap ng P11,000.

Ngunit kung hihingiin ng miyembro ang maximum cash benefit, ito ay aabot sa P20,000 kayat ang halaga na maaring ilabas ng SSS ay P1.2 bilyon.

Sa pagtataya, kung tatagal ang sitwasyon dahil sa COVID-19 hanggang sa Hunyo, 30,000 hanggang 60,000 manggagawa o empleyado ang mawawalan ng trabaho bunga ng mga gagawing hakbang ng mga kumpanya para maibsan ang kanilang pagkalugi.

TAGS: COVID-19, Sec. Carlos Dominguez III, sss, COVID-19, Sec. Carlos Dominguez III, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.