Tatlong NPA members patay sa engkwentro sa Baguio City

Nasawi ang tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa engwkentro sa mga pulis at sundalo sa Baguio City Biyernes (March 13) ng umaga.

Ayon kay Pol. Col. Allen Rae Co, kabilang sa mga napatay si Julius Giron – ang umano ay pinuno ng national military commission ng NPA; si Lourdes Tan Torres na miyembro ng CPP national health bureau at isa pang hindi nakilalang kasama nila.

Nangyari ang engkwentro sa Hamada Subdivision sa Queen of Peace nang sila ay sisilbihan sana ng warrant of arrest para sa mga kasong rebelyon, murder, frustrated murder at arson.

Armado ng handgun, granada at M-16 rifle ang tatlo.

 

 

Read more...