67 anyos na pumanaw dahil sa COVID-19 nai-cremate na
Nai-cremate na ang 67 anyos na ginang na pumanaw sa sakit na COVID-19.
Sa Facebook post ng kaniyang anak na si Liza Paqueo, nakalulungkot ang sinapit ng kanilang pamilya.
Ang kanyang ina na si Nida Paqueo ay pumanaw ng nag-iisa at na-cremate din ng wala ang presensya ng mga mahal niya sa buhay at ni-hindi nabibigyan ng tribute.
Si Nida Paqueo na asawa ni Dr. Vic Paqueo ay naospital noong March 5 dahil sa localized pneumonia.
Ang mister niyang si Vic Paqueo, 72 anyos ay nauna nang naospital at ngayon ay nasa ICU pa.
March 11 nang pumanaw si Ginang Paqueo at noong araw din iyon nang matanggap nila ang balita na kapwa positibo sa COVID-19 ang mag-asawa.
Ayon kay Liza, sya at ang kaniyang mga kapatid ay pawang nasa US.
Umapela si Liza sa publiko na iwasan ang pagpapalaganap ng mga walang katotohanang balita at malisyosong mga impormasyon tungkol sa kanilang pamilya.
Una rito, kinumpirma ng pamunuan ng Rockwell na sila ay mayroong naitalang dalawang positibong kaso ng COVID-19 partikular sa Joya North Tower.
Nakasailalim na sa self-quarantine ang mga nakasalamuha ng dalawa.
Nagpatupad na rin ng disinfection ang Rockwell at isinara na ang ilang mga pampublikong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.