Travel ban mga dayuhang galing sa lahat ng bansa na may local transmission ng COVID-19 sakop ng idineklarang Code Red Sublevel 2
Sa ilalim ng idineklarang Code Red Sublevel 2 ay kabilang sa ipatutupad na ang travel ban sa lahat ng biyahero mula sa mga bansa sa mundo na mayroong local transmission ng COVID-19.
Exempted naman sa travel ban ang mga Filipino citizens, kabilang ang kanilang dayuhang asawa, mga anak, na holder ng permanent resident visa at holder ng diplomatic visas na inisyu ng Philippine Government.
Ang mga Filipino citizen din na mayroong dual citizenship ay papayagan ding makauwi ng Pilipinas basta’t mayroon silang Philippine passport.
Kung sa NAIA lalapag at taga-probinsya ang uuwing Pinoy, hindi sila papayagang makaalis ng Metro Manila hanggang sa ma-lift ang umiiral na community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.