Online sellers ng alcohol, face masks at iba pang medical products hahabulin ng DTI
Sisimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paghabol sa mga online sellers na nananamantala sa presyo ng emergency medical supplies ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, bawal ibenta sa online ang medical products.
Sinabi ni Lopez na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP at ang NBI na tulungan ang DTI sa pagtugis sa mga online sellers at maging sa mga negosyanteng mapatutunayang nagpapatong ng malaki sa presyo ng mga medical products.
Naglabas na rin ng price list ang DTI sa alcohol at face masks na bawal patungan dahil umiiral ang prize freeze.
Base sa memorandum ng Food and Drug Administration (FDA) bawal ang pagbebenta online ng essential emergency medical supplies kasama na ang alcohol at face masks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.