Batangas nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

By Erwin Aguilon March 13, 2020 - 10:42 AM

Kinumpirma ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na mayroong isang nag-postibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan.

Ayon kay Mandanas, inulat sa kanya ni Batangas Provincial Health Office Chief Dra. Rose Ozaeta ang impormasyon kung saan ang pasyente ay taga-Batangas City.

HIndi naman nito idinetalye ang kalagayan ng pasyente gayundin kung saan ito nakuha.

Kaugnay nito, idineklara na ni Mandanas ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Batangas hanggang sa March 31, 2020.

Pinayuhan din nito ang kanyang mga kababayan na maging maingat at magdasal.

HIndi naman aniya maaring suspindehin ang pasok sa gobeyerno sa Batangas pero tiniyak nito na susunod sila sa kung ano ang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Civil Service Commission.

TAGS: 1st covid case, Batangas, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 1st covid case, Batangas, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.