Pag-basura sa kanilang bail petition, ia-apela ng 2 Ampatuan

never again / NOVEMBER 22, 2012 Never Again. The 2009 massacre in Maguindanao province is commemorated today but justice remains elusive for the 58 people killed that fateful day.  DENNIS JAY SANTOS / INQUIRER MINDANAO
DENNIS JAY SANTOS / INQUIRER MINDANAO

Iaapela ng mga apo ng yumaong dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. ang pagbasura ng korte sa kanilang petisyon na makapaglagak ng piyansa.

Sina Datu Anwar Ampatuan na kilala rin bilang Datu Ipi, at Datu Sajid Ampatuan o “Datu Ulo” ay kabilang sa mga akusadong nasa likod ng karumaldumal na Maguindanao Massacre, kung saan halos 60 na buhay ang nasawi.

Inihain ng kani-kanilang mga abogado na sina Renee Mae Collado at Jo Ellaine Collado ang limang pahinang motion for reconsideration sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 para baliktarin ang una nang desisyon ni Judge Jocelyn Solis-Reyes na huwag silang payagang makapag-pyansa.

Naging basehan ni Reyes sa pag-basura sa petisyon ng mga Ampatuan ang aniya’y matinding ebidensyang nai-presenta ng prosecution panel na nagpapatunay na kasama ang dalawa sa mga nagplano ng nasabing massacre na nangyari noong November 23, 2009.

Ito ang pinaninindigan ni Reyes kung bakit karapatdapat lang na manatiling nakakulong ang dalawang Ampatuan habang nagpapatuloy pa ang paglilitis.

Sa mosyon na inihain ng mga akusado, iginiit nila na ang hindi naman napatunayan ng mga inihaing ebidensya sa mga pagdinig ng petisyon na direkta silang may kinalaman sa krimen.

Read more...