Isang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

By Erwin Aguilon March 13, 2020 - 08:57 AM

Isang empleyado ng House of Representatives ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ni House Secretary General Jose Luis Montales na ang pasyente ay taga-Printing Service Department ng Kamara.

Walang travel history ang naturang pasyente at hindi pa rin alam kung ito ay nagkaroon ng exposure sa pasyenteng positibo sa COVID-19.

Pero noon pang nakaraang linggo ito naglabas-masok sa ospital dahil sa karamdaman hanggang masuri na ito ay mayroong community acquired pneumonia.

Dahil dito ayon kay Montales ang lahat ng tauhan ng Printing Service ay sasailalim na sa self-quarantine.

Magsasagwa ng rin contact tracing ang Department of Health (DOH) sa lahat ng iba pang posibleng nakasalamuha ng empleyado maging ang mga mula sa iba pang departamento.

 

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, printing service department, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, printing service department, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.