Full alert status itinaas sa limang police regional office ng PNP
Nagdeklara na ng full alert status ang Philippine National Police (PNP) sa limang police regional office nito.
Sa memorandum mula sa directorate for operations office ng PNP simula ala 1:00 ng madaling araw kanina (March 13) epektibo na ang full alert status sa National Capital Region Police Office (NCRPO), at mga Police Regional Office sa Region 3 (Central Luzon), Region 4-A (Calabarzon), Region 4-B (Mimaropa) at Region 5 (Bicol).
Binigyan naman ng diskresyon ng PNP ang iba pang Police Regional Offices na magtaas din ng alert level sa kanilang nasasakupan kung kinakailangan.
Ginawa ang pagtataas ng alerto kasunod ng pagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa at ang pagtataas sa Code Red Sublevel 2 dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.