Pag-iral ng number coding sa Metro Manila suspendido na – MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2020 - 08:36 AM

Sinuspinde na simula ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, mananatili ang suspensyon sa pag-iral ng number coding hangga’t walang inilalabas na bagong abiso ang MMDA.

Sakop ng suspensyon ang mga pribadong at mga pampublikong sasakyan.

Ang community quarantine sa Metro Manila ay iiral simula sa March 15.

Sa ilalim ng nasabing polisiya ay magpapatuloy pa rin ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan pero kailangang i-check ang mga pasahero nito ng mga ipakakalat na tauhan ng PNP.

 

TAGS: Inquirer News, mmda, number coding, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, mmda, number coding, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.