US naglunsad ng airstrikes sa laban sa limang storage facilities ng Iraq
Kinumpirma ng Pentagon na naglunsad ito ng airstrikes sa weapons storage facilities ng Iraq.
Tugon ito ng US sa rocket atack ng Iraq noong Miyerkules na ikinasawi ng dalawang US service members.
Maliban sa dalawang nasawi, mayroong 14 pang nasugatan sa ginawang pag-atake sa Camp Taji sa north of Baghdad.
Ayon sa Pentagon, limang pasilidad ang tinarget ng airstrikes kung saan naka-imbak ang mga armas na ginagamit ng Iraq para atakihin ang Estados Unidos.
Una rito ay sinabi ni Defense Secretary Mark Esper na binigyan siya ng go signal ni US President Donald Trump para tumugon sa ginawa ng Iraq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.