Water level ng Angat dam nasa 200.43 meters na lang

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, March 13 ay nasa 200.43 meters ang water level ng Angat.

Malayo na ito sa 212-meters na normal high water level ng dam.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.91 meters.

Ang Ipo dam naman ay nadagdagan ng bahagya na nasa 100.30 meters.

Pawang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa Binga dam na bahagyang nadagdagan at sa Ambuklao dam na walang pagbabago ang water level.

Read more...