866 pasado sa architecture board exam

prc-logo-philippinesInanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 866 sa 1,556 na kumuha ng licensure examinations ang pumasa bilang mga bagong arkitekto.

Lumabas sa datos mula sa PRC na ang top-performing school sa nasabing examination ay ang University of Santo Tomas (UST) makaraang makakuha ng 86.08 percent passing rate, na katumbas ng 167 passers sa 194 takers.

Para maideklarang top-performing ang isang unibersidad, kailangang makapagtala ang PRC ng hindi bababa sa 50 examinees at 80 percent passing rate.

Nanguna naman sa mga pumasa si Neil John Bersabe ng Ateneo de Davao University na nakakuha ng 84.50 passing rate.

Isinagawa ng Board of Architecture ang exam sa Maynila, Cebu at Legazpi noong January 29 hanggang 31.

Narito ang buong listahan ng mga pumasa:

Read more...