Isa pang manlalaro ng Utah Jazz nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang manlalaro ng koponan ng Utah Jazz sa NBA.

Pinaniniwalaang ang player na si Donovan Mitchell ay nahawa kay Utah Jazz center Rudy Gobert.

Ang pagkakaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga manlalaro ng liga ay nagresulta na sa suspensyon ng buong season ng NBA.

Sa ngayon hindi pa nag-aanunsyo ang liga sa proseso ng refund sa mga nabili nang season ticket.

Samantala, sumailalim din sa COVID-19 test si Jordan Clarkson at ayon sa kaniyang ama na si Mike Clarkson, negatibo naman ang resulta ng test.

Read more...