Naitalang temperatura sa ilang bahagi ng bansa kahapon umabot sa mahigit 36 degrees Celsius
Nakapagtala muli ng mainit na temperatura ang PAGASA sa ilang bahagi ng bansa kahapon araw ng Huwebes, March 12.
Ayon sa PAGASA, ang limang lugar kung saan nakapagtala ng highest temperatures kahapon ay ang mga sumusunod:
Cotabato City – 36.7 degrees Celsius
Iba, Zambales – 36.4 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 35.5 degrees Celsius
General Santos City – 35.2 degrees Celsius
Catbalogan City – 35.0 degrees Celsius
Zamboanga City – 35.0 degrees Celsius
Sa Metro Manila, bahagyang bumaba ang naitalang maximum na temperatura kahapon na umabot lang sa 33.6 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden.
Nabawasan din ang alinsangan kahapon dahil ang heat index na naitala sa Quezon City ay umabot lang sa 35 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.