DOH tatanggap ng “online inquiry” sa mga nais humingi ng paglilinaw sa ipatutupad na community quarantine sa NCR

Tatanggap ng mga katanungan ang Department of Health (DOH) mula sa publiko kung mayroon silang mga nais linawin sa ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila.

Sa abiso ng DOH sa mga mayroong nais linawin o itanong tungkol sa paiiraling community quarantine ay maaring bisitahin ang link na – https://bit.ly/NCRCommunityQuarantine

Sa sandaling buksan ang link, mayroong espasyo para sa dalawang katanungan at komento.

Ayon sa DOH, makatutulong ito upang mai-refine ang guidelines sa ipatutupad na community quarantine sa NCR.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na sa ilalim ng Code Red Alert Sub Level 2, bawal na ang land, air at sea travel sa Metro Manila.

 

 

Read more...