Pagpasok ng mga produkto sa Metro Manila tuloy sa ilalim ng pag-iral ng community quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2020 - 06:07 AM

Magpapatuloy ang pagpasok sa Metro Manila ng mga produkto sa sandaling umiral na ang community quarantine simula sa Lingg, March 15.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, magtutuloy-tuloy ang pagdating ng mga produkto sa Metro Manila para matiyak ang stable na suplay lalo na ng pagkain.

Maglalabas ng guidelines ang pamahalaan na susundin ng mga mga driver a delivery personnel sa pagbiyahe ng mga produkto.

Samantala, sinabi ni Castelo na hihilingin nia sa mga pamilihan na magpatupad ng social distancing sa kanilang mga establisyimento.

Una nang sinabi ng DTI na inabisuhan na nila ang mga supermarket at grocery na limitahan lang sa dalawang bote ang alcohol na pwedeng bilhin ng bawat mamimili para maiwasan ang hoarding.

TAGS: community quarantine, coronavirus disease, COVID-19, department of health, dti, goods, Health, Inquirer News, Metro Manila, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, products, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, supply, Tagalog breaking news, tagalog news website, community quarantine, coronavirus disease, COVID-19, department of health, dti, goods, Health, Inquirer News, Metro Manila, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, products, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, supply, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.