Taiwanese gang leader, 3 pa huli sa smugging sa Misamis Oriental

Naaresto ng mga operatiba ng PNP–CIDG ang isang Taiwanese national at tatlong iba pa na sinasabing sangkot sa smuggling sa ilang bahagi ng Region 10.

Sinabi ni CIDG Director Joel Coronel na inaresto nila sina Chiu-Ling Su, Christian Tong, Ma. Sharon Remo at Nenito Pialan base sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Dennis Alcantarm ng 10th Judicial Region Branch 18 sa Cagayan de Oro City.

Aniya, si Su ang itinuturong pinuno ng ‘Singkit Gang’ na responsable sa smuggling at pamemeke ng mga sigarilyo.

Unang naaresto sina Su at Remo sa Phividec Area sa Tagoloan, Misamis Oriental at kasunod nito ang pagkakatunton naman kina Tong at Pialan sa Barangay Sta. Cruz, sa nasabi ring bayan.

Read more...