BREAKING: Code Red Sublevel 2, idineklara ni Pangulong Duterte dahil sa COVID-19

By Angellic Jordan March 12, 2020 - 09:33 PM

Photo grab from DOH Facebook video

Mula sa Code Red Sublevel 1, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng alerto ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Code Red Sublevel 2.

Inanunsiyo ito ng pangulo sa isinagawang public address hinggil sa sakit.

Inilabas ang desisyon makaraang makapulong ng pangulo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Huwebes ng gabi.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 52 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang unang idineklara ng DOH ang Code Red Sublevel 1 makaraang makapagtala ng unang local transmission ng nasabing sakit sa bansa.

TAGS: Code Red Sublevel 2, COVID-19, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Rodrigo Duterte, Code Red Sublevel 2, COVID-19, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.