Sevilla Bridge sa Mandaluyong, isasara mula March 14 hanggang April 14

By Angellic Jordan March 12, 2020 - 08:39 PM

Abiso sa mga motorista!

Pansamantalang isasara ang Sevilla Bridge sa Mandaluyong City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, isasara ang tulay na dumadaan sa San Juan River at nagkokonekta sa Shaw Boulevard sa Burol, Mandaluyong at P. Sanchez Street sa Sta. Mesa, Maynila.

Tatagal aniya nang isang buwan ang pagsasara sa nasabing tuloy simula sa March 10 bandang 10:00 ng gabi hanggang April 14.

Sinabi ni Garcia na layon nitong bigyang daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 project.

Magpapatupad aniya ng one-way traffic scheme sa mga motorista na papuntang Maynila tuwing 5:00 ng madaling-araw sa loob ng isang buwan.

Dagdag pa nito, hindi rin papayagang dumaan sa Valenzuela-P. Sanchez intersection papuntang Shaw Boulevard ang mga trak.

Ayon sa MMDA, narito ang mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga motorista:
– kumanan sa Bagumbayan
– kumaliwa sa Lubiran (Bacood Bridge) patungong New Panaderos papunta sa destinasyo.

Sinabi ni Garcia na bukas ang Old Sta. Mesa Bridge para sa mga motorista

Inaasahang aabot sa 30,000 hanggang 40,000 motorista ang maaapektuhan nito.

TAGS: mmda, MMDA General Manager Jojo Garcia, Sevilla Bridge, skyway stage 3 project, mmda, MMDA General Manager Jojo Garcia, Sevilla Bridge, skyway stage 3 project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.