BPI, magkakaroon ng systems maintenance sa March 20

Magsasagawa ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng systems maintenance activity.

Sa abiso ng kumpanya, isasagawa ang aktibidad sa March 20 simula 11:00 ng gabi hanggang 11:59, Sabado ng gabi (March 21).

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang kanilang online banking, mobile app, BizLink at ExpressLink platforms, ATMs, CAMs, at Debit Card services sa nasabing petsa.

“Likewise, all branches will be closed from March 21 to 22. Our credit card and prepaid card services will remain accessible,” dagdag ng BPI.

Read more...