Ayon sa alkalde, kabilang ang residente ng lungsod sa unang inilabas na listahan ng Department of Health (DOH) hinggil sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, naka-confine aniya ang pasyente sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Nilinaw naman ni Malapitan na nailagay ng DOH na residente ng Maynila ang pasyente dahil ginamit nito ang address ng kaniyang anak.
Agad namang ipinag-utos ng alkalde ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.
Iniutos na rin ni Malapitan ang pansamantalang paghinto ng operasyon ng mga commercial establishment malapit sa tirahan nito.
Muli namang nanawagan ang alkalde sa mga taga-Caloocan na huwag mag-panic at patuloy ang pagsasagawa ng proper hygiene para makaiwas sa virus.