UN panel, pinaburan si WikiLeaks founder Julian Assange

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2016 - 07:07 PM

julian-assange-300x225Dapat na mapalaya si WikiLeaks founder Julian Assange sa pagkakabilanggo sa sa Ecuadorian embassy sa London.

Sa desisyon ng UN panel sa apela ni Assange, sinabi nitong ‘arbitrarily detained’ ang WikiLeaks founder kasabay ng panawagan sa pamahalaan ng UK at Sweden na itigil na ang pagpigil sa kalayaan ni Assange.

Dahil sa nasabing desisyon, igigiit ni Assange ang agarang paglaya.

Ikinulong si Assange sa nasabing embahada mula noong taong 2012 habang isinasailalim sa imbestigasyon sa kasong rape.

Pero ayon kay Assange ang alegasyon ng rape laban sa kaniya sa Sweden ay bahagi lamang ng panggigipit sa kaniya at alam niyang kalaunan ay dadalhin siya sa Estados Unidos para imbestigahan siya sa kaniyang mga aktibidad sa WikiLeaks.

Dahil sa pagkakabilanggo, umapela si Assange sa UN panel.

Sa kabila ng pasya ng UN, walang kapangyarihan ang UN Working Group para ipag-utos ang paglaya ni Assange.

Pero ang pahayag at desisyon ng UN ay binibigyang bigat ng maraming mga pamahalaan.

Kabilang sa mga high-profile cases na nakarating sa UN panel ay ang pagkakabilanggo kay Maldives President Mohamed Nasheed, Washington Post reporter Jason Rezaian, at ng Iranian-American na ikinulong sa Iran.

TAGS: julian assange, julian assange

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.