LOOK: Pangulong Duterte, Sen. Go tapos nang sumailalim sa COVID-19 test

Tapos nang sumailalim sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Coronavirus Disease (COVID-19) test.

Ayon sa senador, ginawa ang pagsusuri sa Bahay Pagbabago bandang 5:00, Huwebes ng hapon.

Ayon kay Go, nagtungo sa Malakanyang ang mga kinatawan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon sa senador, inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuri sa loob ng 48 oras.

Read more...