Certified list ng presidential at vice presidential candidates, inilabas na ng Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2016 - 04:11 PM

From Comelec
From Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang certified list ng mga presidential at vice presidential candidates na isasama sa balota para sa 2016 elections.

Anim pa ang pangalan ng mga kakandidato sa pagka-pangulo ang isinama ng Comelec sa listahan para sa ipapa-imprentang balota ng Comelec.

Kinabibilangan ito nina Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN), Sen. Grace Poe (independent), administration bet Manuel “Mar” Roxas II (Liberal Party), at OFW Family Club party-list Rep. Roy Señeres (Partido ng Manggagawa at Magsasaka).

Ang nasabing listahan ay inilabas ng Comelec bago pa ianunsyo ni Señeres ang kaniyang pag-atras sa presidential race.

Inilabas ng Comelec ang certified na listahan matapos magdesisyon ang Comelec 1st division noong Huwebes na ibasura ang lahat ng petisyon na humihiling na ma-disqualify si Duterte sa pagtakbo.

Habang ang petisyon naman ni Poe na kumukwestyon sa pasya ng Comelec na ikansela ang kaniyang certificate of candidacy ay nakabinbin pa sa Korte Surpema

Anim na pangalan din ang nasa certified list ng mga kandidato sa pagka-bise presidente.

From Comelec
From Comelec

Ang mga pangalanang lalabas sa balota para sa vice presidential race ay sina Sen. Alan Peter Cayetano (independent), Sen. Francis “Chiz” Escudero (independent), Sen. Gringo Honasan (UNA), Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (independent), Camarines Sur Rep. Leni Robredo (LP), at Sen. Antonio Trillanes IV (independent).

Ayon sa Comelec, sa Febaruary 8, araw ng Lunes ay nakatakda na nilang simulan ang pag-imprenta ng mga balota.

TAGS: certified list of candidates, certified list of candidates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.