Disinfection isasagawa sa Batasang Pambansa

By Erwin Aguilon March 12, 2020 - 02:39 PM

Inquirer file photo

Kasunod ng pagdami ng mga opisyal ng pamahalaan na sumasailalim sa self-quarantine, magsasagawa ng disinfection sa buong Batasang Pambansa Complex.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, isasagawa sa Biyernes, March 13 hanggang sa Linggo, March 15, ang paglilinis at disinfection sa buong Batasan premises.

Ito ayon sa opisyal ay bilang proactive measure sa pinangangambahang sakit na COVID-19.

Prayoridad nila sa Kamara ang kaligtasan at kalusugan ng mga kawani ng Mababang Kapulungan.

Ngayong Linggo, nagtungo sa Kamara si Transportation Sec. Arthur Tugade na naka-mandatory self-quarantine matapos ma-expose sa isang nag-positibo sa COVID-19.

Naka-self quarantine rin si Davao City Rep. Isidro Ungab na nakasalamuha ni Senator Sherwin Gatchalian sa Senado noong March 12 na na-exposed sa pasyente na positibo sa COVID-19.

Samantala, pinawi naman ni Montales ang pangamba ng mga empleyado tungkol sa mabilis na pagkalat ng Coronavirus.

Aniya, nananatiling COVID-19 free ang Kamara.

Wala pa naman aniyang naitatalang empleyado o kawani na Persons Under Investigation (PUI) o Persons Under Monitoring (PUM).

TAGS: Batasang Pambansa, COVID-19, disinfection sa Batasang Pambansa Complex, House Secretary General Jose Luis Montales, Batasang Pambansa, COVID-19, disinfection sa Batasang Pambansa Complex, House Secretary General Jose Luis Montales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.